CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, August 8, 2012



LUMPIANG GULAY -- Isa ring pagkaen ng mga Pilipino,simpleng pagkain ngunit totoong masustansya,dahil sa mga sangkap nitong halu-halong gulay.Ang LUMPIA ay may iba't-ibang ngalan o uri depende sa sangkap na gagamitin.May tinatawag tayo na "FRESH LUMPIA" ang lumpiang ito ay hindi niluluto/piniprito,may sangkap itong ubod,dinurog na mani,at pechay para sa pampakulay o dekorasyon na kasama rin sa pagbalot ng lumpiang ito at may sarsa.Meron ding "LUMPIANG SHANGHAI"  na maaaring gawa sa giniling na karne o hinimay na isda,na hahaluan nang karot,paminta,at pampalasa tulad ng asin,pwede rin magdagdag ng patatas,ayon sa gusto niyong luto.Marami sa atin na ginagawa ang LUMPIA bilang hanap-buhay/negosyo,may naglalako at iba pa..

--May paborito akong kainang ng FRESH LUMPIA,na matatagpuan sa hanay ng kainan (FOODCOURT) sa SM NORTH..Ito ay ang KUYA'S FRESH LUMPIA..Siguradong masarap at masustansiya...

Monday, August 6, 2012


"ADOBONG MANOK" 

- Uri nang pagkain nang mga Pilipino,ngunit hindi lamang manok ang maaring gawing adobo,maari rin sa karne nang baboy,atay,gulay tulad ng kang-kong at iba pa...Ang adobo ay may pangunahing sangkap tulad ng toyo,bawang,paminta at suka batay sa gusto mong lasa. Gumagamit minsan nang suka kung ang iyong lulutuin ay "ADOBONG SITAW".Dahil ang adobo ay isa sa mga kilalang pagkain ng mga Pilipino may mga lumabas na kainan o restawrant tulad ng: ADOBO CONNECTION na matatagpuan sa ilang sangay nang SM(mall),kagaya sa SM CITY BAGUIO at SM CITY FAIRVIEW.

Isa rin ito sa mga paborito kong lutuin,madali lang at higit sa lahat sapat sa panlasa at medyo tipid na rin para sa mga sangkap.